Thursday, May 25, 2006

[[++ headache ++]]

oh my.... is this a dream? i passed up manila and diliman as well, but of course i chose manila... bs pharmacy.
Photobucket - Video and Image Hosting
[[my name in the bulletin]]

i prayed for God's migthy plan for this and He gave me a sign... then i went to lb today to be cleared... oh my, nakita ko palang ang dami ko nang papipirmahan, parang ayaw ko na lumipat... pano yung chill out ko>??? i am in a total dilemma oh my please help me father give me a sign again

Monday, May 22, 2006

[[++ konting bakasyon ++ ]]

haha bakasyon daw... well may 1 month pa ako noh! harhar ano kaya mangyayari...
well kakatapos lang taekwando tournament pero pinapapasok pa rin kami sa wednesday
-waah magkikita na kami nila kelly hahaha
-manunuod ng sine harhar
-currently addicted to this--

Photobucket - Video and Image Hosting

well cute nia si kim jae won and wonderful life...
i'm gonna buy this!
Photobucket - Video and Image Hosting

Saturday, May 13, 2006

[[++ a slice of this week ++]]

events that happened this week

* we had our aerobics session in ma gym and jamaica, esway and I were really obsessed with it! we love it!grabe yata kami magpawis as in at magaling instructor so we decided that in june, we're going to enroll for membership... just hoping that we are all slim by our target date haha

* because of the body aches, we did not attend our taekwando class last tuesday haha but unfortunately, the next day, i received a 100 plus squatrats!pero di ko ginawa lahat noh! salvage ko na si kuya taekwando! hmffff

*thursday: wala si sir sa pe may sakit daw?! pano un lagi lang siyang nakaupo?harhar kaya nanuod nalang kami dvd

*saturday: grabe ang lakas ng ulan kanina nag exam pa rin kami sa math as in at wala na namang kuryente pero di naman kailangan un sa math building

*kinuha namin flowers ni mai para kay tita edna kasi mother's day sa 14 at naisipan ko rin na di na kami makakabili ni kuya dahil bumabagyo so i bought one basket na prepared na dun buti meron...

Photobucket - Video and Image Hosting

*we went to the factory where we will have to pick up mai's souvenir in her debut

*around 2:30 pinayagan na rin kami ni tita mag sm... poor esway di kasama

*watched Poseidon with the rest then we took pictures when we went on bowling
Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

aah miss you guys,,, more of this on my multiply...

then tha vainess recurred...

Photobucket - Video and Image Hosting

Sunday, May 07, 2006

[[++ Please mend my broken heart show!++]]

host:magandang gabi po sa inyong lahat andito na naman tayo sa ating palabas na puno ng emosyon ang broken hearts show! nandito po ang isang babae upang makuwento ng isang babae na itawag natin sa pangalang “nanay” upang maghayag ng kanyang kuwento, nanay…

nanay: minsan ang tao ay nagkakamali, kahit anong sabihin niya sa pagpigil ng isang damdamin, minsan, hindi pa rin niya ito kayang magawa. nakakainis, minsan kasi corny ang maramdaman ang isang bagay na sinabi mo na sa sarili mong "ay di saakin mangyayari yan" o kaya "di ako tulad nila, bata pa ako, di ko alam yun". pero ang totoo, nauuwi lang sa paglunok ng pride at pag- amin na, "siguro nga mahal ko siya." Maraming beses na ako naloko ng huwad na emosyon. mabilis kasi akong madala sa mga pangyayari.
Nung bata ako nagkagusto ako, maalala ko pa nung sa elementary at highschool. todo kilig! at hindi lang yon, nagawa ko pa ang mga bagay na paran binigigay ko talagang lahat lahat. kahit nagmukha akong tanga. pano ba naman nilalakad ko yung mahal ko sa kaibigan kong matalik, sino nga ba ang matutuwa dun? pero ako, naiiba ako sa kanila. Ayos lang yon basta alam ko kinakausap niya ako, kahit na ang pinag-uusapan pa namin ay tungkol lang sa babaeng napupusuan niya, ayos lang. pero hindi pala, martyr na nga ang tinawag nila saakin at nagalit na ang mga kaibigan ko, pero ako patuloy parin. Hangang dumating sa pagkakataon na sumambulat na lang sa mukha ko ang mapait na katotohanan. Tigil na, tama na…
Bata pa naman ako nun. Kaya naman pagtapos ay mabilis ding nawala. Ganon kasi ako magkagusto sa isang tao, mabilis lang pero halos lahat binibigay, kahit wala nang matira, kahit pride. Natakot tuloy ako, “pano na kung umibig pa ako? Baka hindi ko na makilala ang sarili ko….” Naulit pa ang mga katangahan ko pero nalampasan ko rin at sinabing “ kadiri noh!di ako mai-inlove, marami pakong priorities no!” minsan nga baka sour graping yung pakiramdam ko dahil yung mga nagugustuhan ko di naman gann ng nararamdaman saakin, baka nga bata pa ako… at siguro nga dahil wala akong ama, unconsciously ay naghahanap ako ng feeling ng security.
Lagi kong pinipilit magpakabait dahil yun ang dapat. Sabi ni mama “wag ka muna mag boyfriend” siyempre sagot ko wala naman eh… aba magaling din naman akong studyante, pala- aral kasi ako at masipag. Kaya kung nagkakagusto na naman ako aba, madali lang yun meron akong defense mechanism na tinatawag… yun yung iisipin mo yung mga bagay na ka-turn- off turn- off sa crush mo at sandali lang… jaran!nakalimutan mo na siya! Aba, effective ata noh! Masakit lang sa simula pero ang nakakatawa, pinag-sawaan ko rin sila at lagi ko pang sinasabi “bakit ko ba nagustuhan yun?ewws!” haha… at nagpatuloy.
Pero dumating ang araw na kinakatakutan ko.. napakabilis na sandali lang, ninakawan ako… napakabilis niyang pumasok at lumabas…. Nung nakilala ko siya, ito ay hindi sinasadyang pagkakataon. Wala naman dapat ako talaga dun, pero napilitan lang. sabi nila “kanta ka lang!” e di pagbigyan! At don ko na nga siya nakilala. Di nagtagal, nagkainisan kami… inis na inis ako sakanya. Pero ayos lang dahil the feeling is mutual. He hates me too. Pero sa hindi nanamang inaasahan na pangyayari, nakausap ko siya at nagging mag-kaibigan kami dahil heto na naman ako tumulong sa isang tao. Sabi ko kasi “ayos lang yan di ko naman siya masyadong kilala, di ko kailangang mAtakot na mahulog.” Pero tumindi ang pagkakaibigan naming. Hindi ko alam pero sa tuwing naririnig ko ang boses niya, parang tumitigil ang mundo ko… parang gusto ko lagi na lang kami mag- usap at magkita. Ntakot na ako ng lubusan. Gaya ng dati, ginawa ko ang gusto niya. Pinilit ko na namng burahin ang number niya. Kaso makulit siya at nag- uusap pa rin kami nun. Napakaligaya, pero masakit pag sinasabi ng utak ko na “tigilan mo na yan! Masasaktan ka lang” pero mahirap eh… bahala na lang!basta alam ko masaya ako pag kausap ko siya. Yun ang importante. Ewan ko ba marami na rin akong nakausap na nagustuhan ko, pero iba siya, dahil sa kanilang lahat, siya lang ang hindi madaldal.
Dumating ang araw na kailanan na naming maghiwalay, tinanggap ko na rin yun sa sarili ko at sinabi ko sa kanya na makakalimutan na rin niya ako. Sa totoo lang ang dami kong nagawang kasalanan sa ibang tao dahil sa kanya, sa kadahilanang gusto ko lang siya pasayahin o kuwentuhan. Sobrang naguilty ako, at nasabi ko alang na kaya siguro ako pinarusahan kasi sa mga ginawa ko.
Lumipas ang panahon at nagging busy na rin ako… masaya na ako dahil alam ko makakalimutan ko na siya. Pero araw- araw naaalala ko siya, saglit lang na nakalimutan ko siya pero lalong tumindi. Siyempre ginawa ko na yung defense mechanis mko uli na sasabihin ko sa utak ko na ginamit niya lang ako. Pero laking gulat ko dahil ayaw yun mismo tanggapin ng sarili ko. Alam kong hindi siya ganon. Alam ko may sarili na rin siyang buhay. Ganon din naman ako. Kaya nga kahit sa phonebook ko wala na siya. Pero ang totoo hanggang ngayon memorize ko pa rin ang number niya. Taon na ang lumipas pero nakatatak pa rin siya sa puso ko. Gusto ko sana siyang kausapin at sabihing “ninakaw mo ang puso ko, pakibalik naman oh, dahil alam ko iba ang gusto mo.” Dahil kahit kailang di niya naisip na maganda ako, at magustuhan ako. Tama lang naman dib a. maliwanag naman saakin na iba ang gusto niya. Pero pano nay un?kinuha na niya ang puso ko? May mga nagustuhan pa rin ako, sabi nga nila play- girl daw ako, pero sa totoo lang siya pa rin ang gusto ko. Naramdaman kong sobrang loser ko!kinain ko kasi ang sinabi ko na hindi ako mai- inlove. Pero taon na ang lumipas at kahit di a kami nag-uusap at nagkikita, siya pa rin ang gusto ko. Bakit di ko aminin? Ano pa?baka di niya na ako lalong harapin at kamuhian pa ako. Baka nga pandirian pa eh. Dahil nalaman ko kung gaano ka baba ang tingin niya saakin.
Sino nga ba naman ako para mahalin?”mahal?yuck! di ko alam yun!ano bang feeling?” pero ang kinatatakutan kong araw ay dumating nap ala… natanggap ko na lang sa sarili ko na mahal ko nap ala siya, ayoko lang tanggapin dahil ang taas ng pride ko. Pagod na ako at bnagdasal “Lord, please bakit di ko pa siya nakakalimutan?tulungan niyo naman ako…” ang sabi Niya saakin “ anak, mahal naman kita eh, sapat na ang pagmamahal ko para takpan ang sakit” dun ko naramdaman na kahibangan na ang lahat. Wala naman siyang paki- alam saakin eh. Pero ang pagmamahal pala ay ganito. Kahit isa ka lang na nagmamahal ayos lang. wala itong hinihinging kapalit. Ang daling sabihin noh? Pero alam mo m\na gusto mo rin na mahalin ka niya.
Siguro nga masyado kong binigay ang sarili ko na kinalimutan ko na ang sarili ko. Naisipan kong magpaganda para sa kanya. Pero ngayon natutunan kong gawin yun para sa sarili ko. Para igalang ko naman ang sarili ko.
Ngayon masasabi ko na nga na umibig ako. Masakit mang aminin. Totoo pa la na ang pagmamahal ay dumadating na lang bigla ng hindi mo inaasahan. At aabutin ka ng matagal na panahon para kalimutan ito. Ilang beses ko ding pilit itanggi kung love nab a ito… pero ang tanong ay sumagot na lang saakin ng oo. Pero ayos na ako ngayon. Mga alaala ko nalang ang mabubuhay. Siguro nga mahihirapan pa din akong makalimutan siya. Habang iniisip ko siya, siya naman ay limot na ako at din a pumapasok sa isip niya. Pero sa lahat ng kalungkutan, natuto na lang akong maging masaya dahil minsan sa buhay ko nakilala ko ang isang taong nagnakaw ng isang importanteng bagay saakin…
Ang aking puso…
Sa susunod wag kayong magsasabi ng patapos. Pinagtatawanan ko pa sila noon na ang cocorny nila… pero hindi pala…
Wag ka mag- alala aking mahal, di naman kita sisisihin, pero sana malaman mo na mahal kita ng hindi ako pinandidirian at hinuhusgahan. Tao lang naman ako. Hindi ko sinasadya. Patawad. At mahal kita.
host: napakagandang kuwento!sana nagustuhan niyo ang kuewento ni “nanay!”. Naway may napulot kayong aral!hanggang sa susunod uli na serye ng “please mend my broken heart!”

Photobucket - Video and Image Hosting

Saturday, May 06, 2006

[[++ desperado++]]

Photobucket - Video and Image HostingPhotobucket - Video and Image Hosting sad isn't it?


well what can i say.... grrrr nadda- drama na naman ako hmmmfff sesperate na ako sa isang araw na magkikita kaming muli... minsan bumababa ang self esteem ko. maybe i should really do my goal... para naman may mapatunayan ako sa sarili ko... i want to be more confident of myself... kung hindi ko pa rin cia makakalimutan, then wala pa rin akong magagawa,weird ba? haha... ako lang nakakaalam ng mga pinagsasabi ko...i promise to do my best at makikita din nila who i really am and what i can do.