Tuesday, October 28, 2008

10 minute break

im getting sleepy na ang lamig kasi
but i have to study for tomorrow is the day of judgement haha

i want to write something non academic after tomorrow naman

i want to be normal hahahaha

i will not write anything academic after my removals hanggang sa may balota na pumasa nako hahahaha

well God bless us

gusto ko magbakasyon after this kahit 2 days lang(mom's bday )

and we'll go daw to baguio and dagupan for tito's bday=)

oh Lord help us....

Monday, October 27, 2008

whoah ang comedy

waaah nagiiiyak ako buong weekend nagkamali lang pala sila pag input ng grade ko
ayan tuloy sinayang ko oras ko di ako nagaral buong weekend at magreremove naman daw talaga ako...shuks sorry Lord i doubted you kala ko singko na talaga ako
oh well sobra na kaba ko kailangan ko na mag aral

grabe nagiiiyak ako at nakasimangot ng dalawang araw sa lungkot
haay at least alam kona ganon pala gagawin ko pag singko talaga ako
ayoko nang ganong feeling!
napaisip tuloy ulit sila mama kung lilipat nako ng school haha

God bless sating mga removers
sana ipasa na natin to our last chance!

fight!

Saturday, October 25, 2008

this is called emotional torture

huhuhuhuhu
di ko alam kung mag aaral pa ako
bakit singko na ko sa phch135 sa CRS?!waaaaah
di ko naman mapuntahan ngaun skul dahil saturday at sarado di ko makuha classcard ko

para san pa nagaaral ako?!waaaaah
huhuhuhu
i don't know what to do im so scared+(

bakit pa nila pinost yung name ko sa bulletin na magreremoe kung singko na rin pala ako
waaah nagalit mama ko huhuhuhuhu

Friday, October 24, 2008

ouch!

today i just studied a bit. weLL mag bbday na mama ko in grande parang debut niya so naisip ko pa magpaayos...ayaw ko na sana magpafacial the mere thought of having those blood stains in their tissues after wards(waah ang sakit ng mukha ko) magtiis daw ako sabi ni mommy kasi almost 2 years nako di nagpapa facial...
bakit dati di naman uso yan ha
(huhu ang sakit ng mukha ko)
ang kapal ko talaga nakuha ko pa pumunta don di pa nga ako tapos mag aral ang haba kasi nung kay sir sig
kinakabahan pako dahil baka mas hirapan nila ung removal exam ....mas mahirap daw kasi ung sa biochem...OMG wag naman sila magbigay ng hope na pumasa tapos babawiin din pala.

anyway nagaaral ako after magpasalon ng hair sa starbucks hanggang sa lumaabas na mama ko ng 6pm... grabe ayoko na mag aral sa bahay i'm always sleeping....
and like this.... im in front of the laptop=((( grrrr nawawala focus ko may tv pa

alam mo un alam kasi ng katawan ko sabi "ui joanna bakasyon ngayon ha, baka gusto mo mag good time...hehe"
pero sabi ng brains ko
"mahiya ka nga pasalamat ka nga magreremove ka pa eh."

tapos may sports feast samin tom i have to go ba or not????
waaah im in a dilemma nagalit kuya ko kung di ako punta....

AT BUWISIT UNG CRS SINGKO NAKO AGAD SA 135 EH DI PA NGA AKO NAGREREMOVE! HUHU LALO AKO KINABAHAN!

waaaaah sana nagkamali lang sila sa crs at hindi sa pagpopost ng pangalan ko na magreremove pako sa 135=((

hindi nako makatulog sa kaba!
di ko tuloy alam kung may saysay tong inaaral ko para magremove or tama yung grades ko online na singko nako sa phch135

LORD MAAWA KO WAG NAMAN=(
sana naduling lang sila sa pag input ng grades huhuhu

shuks di nako maka concentrate! papasok ako sa monday para makita classcard ko!
LORD HAVE MERCY PLS MAKE IT APPEAR TO BE 4.0 NOT 5.0 HUHUHU

para saan pa at nagrererejoice ako nung tuesday huhuhu andon ako sa bulletin eh huhu
i saw my name huhuhu

WAAAAH kala ko may masaya nako masusulat dito bad trip...
di ako matutulog ...MAGAARAL AKO WAAAAAH

Tuesday, October 21, 2008

how is the life of a UP student in College of Pharmacy?

ano na nga ba nangyari saakin sa sem na ito???
well for this sem sumabog na ko sa STRESS
napaka pessimistic ko na ngayon ko lang napansin na wala na akong good news
na sinulat sa blog na ito haha
dati pinagsusulat ko...wala lang....

tapos im trying to read the last book of twilight series .... "breaking dawn"
tapos nainis lang ako...kaya yun tinigil ko na agad feeling ko sayang oras ko
then nanood nalang ako...as usual na addik na naman ako ng konti.pero buti tigil ko nalang muna kasi magreremove ako sa 35...hehe im happy=) (pero hihirit lang ako last nuod muna ako movie ngayon hehe)
sana di ako binigyan ng opportunity para lang ibagsak pa din.... so aral na naman ulit
waah lagi nalang ako laman ng UPM ..... laging nasa Rob at nasa Pharm...haay wala na sembreak....pero ok lang basta pumasa lang....ok lang mag aral pa din sa bakasyon=)

at least 1 down na kasi pumasa na ko sa anaphysio=)

AFTER 4 YEARS ANO NA BANG NANGYARI SAAKIN SINCE HIGHSCHOOL???

haay alam ko next sem mas mahirap ... at nagbawas na naman sila ng mga studyante..
(please Lord add me to the filtrate,,, i dont want to be a aprt of the residue=( ) hello sino kaya may gusto na medelay wala naman talaga...

un lang narealize ko na bumaba na ang mga kaligayahan ko....
nung highschool pag may grade akong line of 8... mababa na saakin yun....
tapos naiinis pa ako nun pag yung quiz ko mababa...
grabe tama lang pala yun kasi ngayon ang tingin ko sa line of 4 ay mataas na....
mahirap na maka line of 5....
lalong mas mahirap pumasa... tapos epal pa tong soc sci na 70 daw passing...what the?!
NAKO pano na kaya ang grade ko sa med nyan????napaka mediocre ko lang....

kung di ako lumipat ng course.... sana kasama ko sila Mai at nag e-NMAT review kami...'
pero eto ako delayed dahil nagshift
tapos nag 5 years pa na hindi ko naman magagamit kasi nga pre med ko nga lang to eh....

sabi ko nga sa kanila pag ako talaga grumaduate dito iiyak ako hindi katulad nung highschool na dahil sa friends pero i'll cry just for myself for all the hardships....
ngayon lang ako umiyak sa buong buhay ko na tungkol sa akads.... never ko pa nagawa yun ng highschool kasi nga mataas grades ko nun...

puede kaya baliktad nalang??kasi mas importante college sa highschool grades....

pero ayun sabi nga no regrets na dapat...
natatawa ako sabi nung mga kasama ko kanina gusto daw nila maging normal na college...
ako din nga eh nasabi ko na yan sa kaibigan ko...
gusto ko maging normal katulad nung ibang studyanteng college na balanse lang naman ang buhay...may aral,friends,pahinga,recreation...naiinis pa nga kami lgi sa katapat na school namin kasi lagi silang mukhang laging bakasyon...
habang ang hair ko ay super dyahe galing sa lab at di pa kumakain sa buong araw...
minsan dala dala pa ung tool box na nagmumukha akong taga pedicure or taga linis ng bahay
pag nakalimutan ko ung sponge ko sa ibabaw or gloves...tapos white uniform pa huhu
kamukha na namin ung katulong ni Ruffa G.... kaya nga name plate na nga lang pan laban ko...yun nalang dignidad namin hahaha

yun nga kasi meron lang kaming aral sa bahay, aral sa jeep,aral sa lrt, Aral habang naglalakad, aral sa skul , sa lib... aral habang kuwentuhan sa friends... at pati ba naman pinaguusapan namin puro ka GC han parin.... pero un nga problema mas kinakabahan pako pag iba ang pinaguusapan namin....pag di akads may problema...feeling mo truant ka na
di- nare ko ung friend ko kasabay sa LRT "cge nga try nga natin wag magusap about akads para maging normal tayo".... eh ayun wala pang 10 min pumasok na naman ang mga prelab at post lab reports... cgro kung nakakapagsalita lang yung Ale sabi sguro nya "Nene na nonose bleed ako... ang nerd nyo" haha pero wala nga kami ibang pinagusapan kundi mga subject namin...
kung higschool ako nito kaihiya na nila ako...pero ngayong college ang masasabi ko lang
"pakelam nyo? eh mahirap eh."
haay ditp lang ako nakaranas ng hirap na over na sa limits ko...kasi dati pag super na nabibigay ko na yung nest ko sa sobrang pursigido...pero ngayon parang...ayon nga im an Amoeba...sana maging bacteria nga daw kami para magevolve kasi daw tumatalino sila...

ilang beses ko na nga pinangarap lumipat ng school sa sem na ito at nagiiiyak ako sa mama ko kasi super tagal na nga tapos super hirap pa at bumababa lang grades ko eh hirap na ako maka apply sa UP- PGH nyan....hmmm kaya nga sabi ko kay mama UST nalang tutal di naman na nila ako tatanggapin sa UP sa grades ko...kaso ayaw nila=(
kahit daw mabulok ako 10 taon la sila care=(

ok pa sana yung hirap eh basta mabait mga prof...
well welcome to pharm...
para kang garapata pag nakausap mo sila.. parang kahapon ka lang pinanganak sa mundo....well may mga sadyang mabait naman talaga ("sir bang!")...un nga lang rare lang sila at umalis pa...
alam mo yun super drain na utak ko parang wala nang lugar sa 100 assays....
emotionally= 0 na
love life = ano un?
social life= classmates lang

haay wala na ba kong masasabing maganda....

ito nalang siguro...
sabi ng college sec namin sa hirap ng training namin
pag graduate namin... chicklet nalang ang stress sa labas...
oowss totoo ba yan... kaya nasasabihan kaming mayayabang eh...
pero sa totoo lang di naman kami mayabang...sobrang nahihirapan lang kami
kaya pag labas ganon... misunderstanding lang...
isa lang naman ang gusto naming mangyari eh
ANG MAKAGRADUATE AT MAKAALIS NA SA AMING KOLEHIYO. BOW.
kung magkakaanak ako di ko siya pakukunin ng course na ito... sa totoo lang ....
pero as of now i have to accept it na wala there's no way out but to face it.
aja!go JOM! in times of trials... mas malakas ang kapit ko kay Lord...
mas nagiging totoo Siya saakin...
so why should I lose heart? I still have Him no matter what=)





OMG

OMG talaga
God alowed me to have one last chance
kuwatro ako yahoo!!!!!
dapat pasa ko na to milagro itong malaki
28 lang pinagremove nila
20 lang daw halos pinasa nila....

I trust in You alone....
thank God

Wednesday, October 15, 2008

wala na...___ nako=(

di ko natapos ung exam mga 20% yun
di ko rin sure yung iba
wala 5.0 nako=((((
grabe next year nanaman ulit....
awa nalang ni Lord pag pinagremove pa niya ako.......
im so tired
so so tired
mga 15 hours ako nakatulog simula natulog ako kahapon di nako nagising
pano isang oras lang tulog ko nung monday at 2 hours nung sunday
di pa kami pinag exam na anatomy dahil di naka unifrm
buti nalang may mabait na blockmate napuntahan namin napahiram kami...grabe
kala ko ph ch department lang malupit
pati pala sila
wala silang awa
grabe ung college namin walang mga puso....
di nako nagtataka kung walang nagdodonate
konting awa nalang talaga nila...

supre ayaw ko na isipin ang sakit talaga kasi ibabagsak ko lang lahat ng mga pinaghirapan ko at puyat ko........para nakong intermed...
7 years na sa BS degree palang....
.......................

Friday, October 10, 2008

waaah

i need 90 to pass phch35 sa finals puede ba to???huhu

grabe magbaba naman sila ng passing

hala sana naman may masulat ako dito someday na masaya puro nalang ganito ayoko na!!!!!!!!!

gsto ko ulit mag highschool waaaaaa

balik nyo nako don tapos di ako magphapharm ever waaaahhhh

Sunday, October 05, 2008

i have never been so studious like this in my life, promise

promise,,,,
super aral na
pumasa lang please???
last two weeks nalang

pag di ako pinayagan mag remove it means 5.0 na ko
puwera nalang kung mga naka 80percent ako sa finals which is somewat impossible

waaaaahhhh
Lord help
cge na naman huwag mo kaming i- delay =(
huhu we'll really work hard......
please???
kung super aral na non double time
gagawin kong quadruple time....huhu help=(