Monday, December 19, 2005

[[++ merry Christmas!++]]

pasko na naman... hmmm balik uli bakasyon pero hindi maganda dahil ang daming pinagawa saamin kaya di pa talaga ako pahinga. katulad ngayon siningit ko lang tong blog. galing sa LB medyo depress kasi alam ko na bagsak ako sa isang exam,, sa math at mababa pa ako sa bio... chem 17 lang ang alam kong medyo ok... pero lahat naman yun pinag puyatan ko waah!talagang mga 3:30 am na ako natutulog talagang pagod at puyat at madalas wala nang kain kain basta matapos lang... tapos malalaman ko babagsak lang ako... waaah~ abyway kahit na nadeppress ako lumabas naman kami nila kuya at mama para mamasyal para makalimutan ko naman ang mga nangyari kahit na hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ako kahit bakasyon... pero ganon yata talaga mas kilabutan ka pag walang pinapagawa kasi ipagsabihin lang eh baka magulat ka nalang bigla sa hirap ng papagawa sayo... anyways ang masama pa don marami ka na ngang ginagawa eh may mga bagay ka paring naaalala na pilit mong kinakalimutan. pero habang tumatagal alam kong pagsasawaan ko nalang din yung naiisip ko dahil wala naman tong pupuntahan.... alam ko naman yun eh medyo minsan di mo lang talagang maiwasang isipin kahit ayaw mo... di kaya dulot iyon ng kalungkutan??? aba'y malay ko...
ano pa ba.... si ma bumili nga pala ng dvd player na may 10t songs... naisip ko tuloy sayang naman ang magic sing!
well pag galing ko nga pala sa los banos eh dumiretso na ako sa bread of life at nag wide awake kami ni kya at nagulat ako dahil hindio ko alam na nandun pala ang chill out project at christmas party na pala sa tuesday my gosh1di ko alam! well sa tingin ko tinawag talaga ako niLord dahil nag wide awake ako nang walang dahilan ... wala lang i just felt the urge... many learnings... sana i would be a better citizen kahit na klugmok ngayon ang Pinas.. i'll study harder i promise!

No comments: