Friday, May 09, 2008

The Poverty of Our Souls

I just came from Cavite... when I was watching the news, Im so sick of it because I kept on hearing the same problems everytime.then coincidentally i have read this news and I was so down because I have read about the selling of kidneys by the poor people, but the money that they receive is so low and that their rights are already violated with no post operation check- up for the people who sold their kidneys. And how about them?after receiving their money, no one got richer or made their lives more comfortable. You see I think even if you multiply the poor people's money by ten times, it would'nt actually make their lives much easier. they are still gonna get back from the slums because there is a poverty of the soul. nakaahon ka na nga, pero bumabalik ka pa rin sa dati dahil hindi ka natututo. Definitely one can say many excuses, or blame others for the reason of their situation, of why they are poor but definetely its not money that makes one rich, because if only money can solve it, then I bet all the people who receives their one million retirement pay is richer now. There's something about us that makes us Filipinos like this. Actually we're living in a vey rich country, lots of natural resources, but then we are. still poor, still, we have lots of eXcuses. But look at Singapore? no natural resources but one of the most economically stable countries. But still i bet one will still find more and more excuses. Let us say one blames the government. But didn't Rizal said, "tal pueblo, tal gobyerno?" the government only manifests its own people. Let's just not look on the works of our dear senators and mayors, just look at our barangay tanods, do they really work on their jobs?bakit kahit basura nalang hindi pa maayos? But the most sad part is that WE JUST DON'T CARE. A lot of us wants to leave the country to find a better future. I myself am studying in one of the best universities in this country and most of my friends wants to migrate to work abroad. OO nga naman sabi nila, sino nga bang yayaman dito?eh dun nalang ako sa malakas magbayad sayang naman kasi yung talino ko. You see even the most educated people doesn't solve the problems of this country. UP, Ateneo does not solve it. those who got their masterals or phd's did not help this country to prosper either. They just want to live good lives and leave this country or be a politician so wise enough to lure the money of its people because of their intelligence. We can see that nobody wants to be a Filipino. I myself before, when I am watching other Asian channels am so facinated with their culture and wished to stay their, or get married with a Korean or Chinese. We have a damaged culture, we don't have a self identity anymore as a Filipino so whatever identity other countries tell about us, we're just about to swallow it hard kasi most of the time totoo naman. Ang pag- asa daw ng bayan ay kaming mga kabataan. puede rin kaming nasa UP. pero sa UP palang gusto nang magsialisan, kasi praktikal nga naman. Pero wala nga bang uunlad dito?o kaya naman sinabi rin nang ibang tao na bagsak din ang buhay at di nagsikap na walang pag- asa dito ang pinapakinggan namin? pero kahit naman pumunta sila sa Amerika o saan pang bansa... masaya ba sila?siguro yung iba pero ako yung mga kamag- anak ko dong iba naghihirap din naman. yung lawyer dito, factory worker nalang don, sabi kasi niya at least nasa States daw... grabe ganito na ba kami kababa? wala na kaming dignidad kahit ano nalang, ayaw kasi naming maghirap, ayaw naming mag- aral. Wala na kaming mga pangarap basta makaalis lang dito at takasan ang problema dito. eh di kung ayaw nyo dito di wag.... basta balang araw pag- unlad ng Pilipinas huwag na kayong babalik hahaha. Sino sino rin bang magtutulungan kundi kami ring mga Pilipino, pero ang masakit nga don, mismong Pilipino ang maghahatak sayo pababa, wala kasi kaming sense of nationhood. Kaya siguro ok nalang kaming tawagin bilang domestic helper, kasi yun ang ibigsabihin ng Filipino sa Greece Oxford dictionary. No offense sa domestic helper dahil marangal naman na trabaho yun kung dun ka talaga, pero di naman ibig sabihin na dapat ganun kaming lahat.

Ako bilang kabataan nahihiya nga ako sa sarili ko kasi di ko pa naitanong , "oo nga no, ano na nga bang nagawa ko para sa bansa ko?" ang Korea nga may prayer mountain sila na ang ipagdarasal lang don ay ang bansa nila, kami mahal ba namin ang bansa namin? bakit ayaw naming umunlad, iba rin naman kasi ang maunlad sa mayaman lang. Kasi pag mayaman lang, para saakin, may pera ka pero di ka masaya, maaari mong matagpuan ang taas ngunit tuwing gabi natatakot ka na baka manakawan ka. Walang katahimikan, laging may takot at lungkot sa puso mo. Ano nga ba ang pagiging maunlad? Yun yung para saakin ay matutulungan mo muna ang sarili mo na umunlad sa sariling sikap at pag nakaahon kana, tutulungan mo naman ang ibang tao na umunlad hanggang maging domino effect lang. IIsipin mo lang rin naman kasi ang kapwa at bansa mo yun lang naman. Pero may nag- iisip kaya nang ganito?ilan kaya? nalulungkot lang rin ako dahil kabattan daw ang pag- asa ng bayan. Pero ano namang ginagawa namin? Yung iba, pipila sa abs- cbn para maging bagong artista, baka sakaling madiscover kaya titigil nalang muna sa pag- aaral. Yung iba basta may uso dapat laging gagayahin!pag di ka -in, sorry nalang, you're out of the picture, tapos yung iba naman mayaman, kaya pa bar- bar nalang or punta sa embassy, at idol ang Gucci gang. Dun naman sa mga matatalinong iba... pagkagraduate gusto na yumaman at yumaman at yun lang. Pero meron kayang gustong paunlarin ang kapwa niya? may nangangarap kaya na sana balang araw maging kasing unlad din namin ang Japan?Korea? Alam ko meron pa din pero siguro konti lang. Dati isa ako sa mga gustong sumama sa -in nung high school ako kaya kokopyahin ko yung mga sikat, pero pag tinitingnan ko ngayon nakakahiya pala ako non, ang babaw ko pala. Nahihiya ako sa sarili ko kasi pang 398 na nga lang ang UP sa world ranking tapos di pa ako naging College scholar, isa lamang akong mediocre kaya huwag na tayong magtaka kung tingin nang ibang banyaga sa atin ay mga islanders. Ang sakit lang talaga, pero siguro kung kukuwento ko to lahat sa kaibigan ko baka pagtawanan niya lang ako at sabihin na epekto ito ng kaka nood ko. Sino nga bang magseseryoso sa ganitong bagay? Ha? mag- aaral ka para sa kapwa mo at para sa bansa mo>? kaya dito nalang at malaya kong maisusulat ang nararamdaman ko.

Maaaring sanhi ito ng pag- iisa ko sa Cavite, pero narealize ko mabuti din pala yon para lumalim naman ang pananaw ko sa buhay. Minsan kailangan din nating magreflect. Salamat sa Diyos sa pagpapakita ng mga bagay na mas malawak kaysa sa mga iniisip lamang natin.

No comments: