Thursday, June 26, 2008

o, tukso...please layuan mo ako!

napansin ko na napapadalas na ang pag- iling- iling ko mag- isa.
ibig sabihin sinasabi ko sa sarili ko na "hindi, Joanna, focus!wag mo isipin yun"....
waaaah bakit ganon!?pag lalo mong nilalayuan matukso,,, tsaka siya lumalapit....!
kanina lang umiiling ako sabi ko "no!no!"
biglang paglingon ko hayaan nasa mukha ko na yung "tuksong" iniiwasan ko
sabi ko sa sarili ko "waaah!bakit ganon?! no nga eh bakit biglang nasa harap ko na?!"
work of the debil,,,,.
debil debil!

Wednesday, June 18, 2008

waaaaahhhhh

grabe ang hirap harapin ang temptation.... waaah
sabi ko wala na pero natempt pa rin ako i-check yung profile niya nyaaaK!
grabe naiinis ako sa sarili ko... but that won't stop me from doing my best!grrrrrrrrrrrr

Monday, June 16, 2008

ARe u nerdy lately?

kakauwi ko lang from 5-7pm na class sa biochem at kasabay ko umuwi sila justin,jordan(gorge) at ruffa.... super laugh trip ...at dami ko narealize
1. ang sarap kasama bakla lalo na pag pagod ka .... masarap tumawa.... napag- usapan namin ni ruffa na ang usual na napag-uusapan namin ay akads lagi.... naisip ko tuloy kung ano mga iniisip nung mga tumitingin samin sa lrt ...siguro "ano ba tong mga batang to ang nerdy naman" kaya paminsan- minsan naalala ko maging normal ulit.... hindi puro akads pinag- uusapan.... so that means i have been nerdy lately...ay hindi lang....since nag pharmacy ako...

2. nakausap ko si master co kanina at sabi niya isa lang ang section sa phch137 lab nila hindi dahil sa puno na or what.... kundi dahil kasya na lahat ng mga regular 4th year sa lab na yun.... so ang regular 4th year mga 20 something?nyaak natakot ata ako don... naisip ko pano pako makakapag pataas ng grade eh galing na kay master Co un at sabi niya nun di na siya CS.... huhuhu

3. Nanood ako ng news at sabi walang cr ang mga bata sa public school. ang ratio sa highschool ay 1 cr is to 90 students.... kamusta naman

---- so sa mga sinabi ko siguro mahihinuha na "eh ano naman ngayon?>a.) gaano man ka-toxic ang life wag natin kalimutan ang small things na hindi na natin napapansin sa kabusyhan natin... still learn to laugh out your worries
b.)parang nawalan ako ng pag- asang magpataas ng grade pero nung makita ko yung news na yun naisip ko na mas mapald parin ako kaya dapat huwag kong isipin na "kawawa naman ako,nahihirapan ako" kasi at least ako nakakapag- aral sa magandang school at dapat di ko sayangin yung opportunity makapag- aral. cr nalang di pa namin ma provide... hello!21ST Century na .... nakakabasag- puso lang talaga....

kaya kahit pagod na ako,energized na ako mag- aral kasi kaming mga estudyante ay may malaking misyon na sana balang araw makatulong kaming nakapag- aral... kahit man lang sa pagtulong sa pagbigay ng palikuran sa aming kapwa....walang imposible sa mga naniniwala at may determinasyon!

at sabi nga ni sir glenn "grades lang yan, ang importante ay ang integridad ng tao" hindi yun matutumbasan ng uno....

Sunday, June 15, 2008

Ang Puso sa pag- aaral

sumaglit na naman ako habang nag- aaral para sa quiz .... medyo napurga lang ako sa kakabasa kasi ang kapal ng readings eh quiz lang naman na baka 20 items lang... ang malaking tanong ay kung alin kaya sa mga nabasa ko ang lalabas?or may lalabas kaya sa binasa ko?ehehe mahirap ata yan... dami ginagawa sa school at sa youth work kaya todo busy na nga ako. Minsan gingawa mo nalang ang mga bagay out of responsibility... "eh kasi kailangan eh..." pero sa totoo lang kung may pagkakataon ayaw mo na mag- aral kung hindi lang rin kailangan para sa mabuting kinabukasan...

pero ang totoong issue ay.... gusto mo ba talagang matuto? mag-aaral ka kaya kahit hindi required? kunyari kung maganda pa rin ang buhay mo kahit di ka mag- aral,,, sa tingin mo mag- aaral ka pa rin kaya>? dapat lang dahil paano natin ma-appreciate ang mga bagay sa ating paligid kung hindi naman natin ito naintindihan>?God made things of complexity at responsibility natin na alamin ang mga bagay sa paligid natin dahil ginawa niya tayong tagapamahala....
personally may mga subjects na ayaw ko talaga at tinanong ko kung anong point ng pag- aaral ng mga ito?pero ngayon unti- unti kong nababagkus na ang bawat bagay na pinag- aaral ko ay mahalaga pala upang maintindihan ko ang mga bagay at mamulat ang mga mata ko sa ganda ng buhay natin dito. Kasi pag mas naintindihan mo kung gaano ka- complex or ka-simple ang mga bagay, mas na- appreciate mo na ang mga bagay na ginagalawan mo.

ah!kaya pala... ang problema pala noon ay nag- aaral lang ako dahil kailangan, hindi dahil sa gusto ko matuto... sa kagustuhan kong pumasa lang... basta masabing naaral ko pero hindi tumagos kung ano ba talaga yung pinag- aaralan ko... kaya yan tuloy... pag di mo mahal yung ginagawa mo, wag ka nang mag- expect na mamahalin ka rin base sa mga resulta nito. Minsan di naman grades lang eh.. higit pa sa mga nakuha mong marka,,, mas magandang sabihin na naintindihan mo talaga yung ginawa mo at sinapuso mo... don ka lang matututo maging masaya sa ginagawa mo... huwag mo isiping pahirap lang... pero natututo ka dito.

Saturday, June 14, 2008

BUSY

BUSY talaga di nako makanood haaay naninibago ata ako grabe....nako sumaglit lang ako hay napaka excting ng buhay dahil sa mga prelabs , post labs, home work, problem sets at quizzes.... but we dont lose hope because all of these are just testing our character!yeah!

Thursday, June 12, 2008

tired

naninibago ata katawan ko 2nd day palang sobrang bagsak na katawan ko sa school...

tulog ako agad pagka uwi....

pero kailangan pa mag- aral.... aja aja!

Friday, June 06, 2008

Mga pagbubulay- bulay sa kwaderno

namili ako notebook kanina at lagi kong binibili yung refill na paper na yun pero ngayon ko lang to nabasa...
"The quality of a person's life is in direct proportion to his commitment to excellence, regardless of the chosen field of endeavour."

kaya kahit gaano pa kahirap basta determined ka i-pursue ang excellence, walang imposible.
may malaki akong narealize ngayong summer, at yun ang pag fo-focus. kasi natutunan ko na kahit gaano pa ako nagpuyat pero yun bang abot kamay mo na yung tagumpay pero hindi mo lang sineryoso, mawawala lahat ng pinaghirapan mo.

Nung pumasok ako para mag enroll, ang dami ko na namang nakitang temptation, nakakatawa nga kasi literal ko ngang iniiling ang ulo ko at sinasabi ko sa sarili ko na FOCUS.... yung nga lang nakakahiya pag may nakakita saakin na ginagawa ko yun hehe pero on fairness, effective siya. Grabe ginive- up ko na halos lahat ng dvd ko na pinapanood at binigay ko lahat kay kenvee. waaah koleksyon ko kaya yung mga yun pero dapat eh kasi may mga bagay na hindi naman talaga masama pero kailangan nating tanggalin dahil hindi naman ito nakakatulong sa ating paglago. Kailangan ko talagang malagpasan tong 3rd year na to (pero 4th year nako academically!) ok fine sorry i have to get over it!basta walang madedelay kahit sana sa mga blockmates ko man lang. Kailangan ko nang magseryoso dahil nakita ko dalwang pahina nalang ng papel ang 3rd year saamin. Lagas na nga. At sa tingan ko mas masasala pa. Ang maganda lang don may mga natake na kasi ako na earlier subjects kaya mas konti ang subject ko sa mga batch '06.

Well medyo di pa rin ako get over sa friday 5-7 dahil di ko maatendan yung Class T. di ko parin maintindihan kung bakit nangyari yun kasi feel ko nag- go signal na si Lord para umatend ako dun once a week lang naman every friday,6:30 pm, tapos yun pa nangyari huhuhu, pero kung yun ang will ni Lord wala na nga siguro ako magagawa.

Wish ko lang this sem talagang mag stay focused ako...........and for the rest of my life.......

Thursday, June 05, 2008

im so disapointed with my sked!

waaah!bkait ganon monday at friday ko hanggang 7pm grrrrr
ok pa sana yung sa monday!
pero kung sa friday pano ako makaka- attend ng class t?!!!!grrrrrrrrrrrrrrrrrr

Lord why did you let this happen?!!!!!!!!!!!!!!!!!huhuhuhu

im so sad waaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

Tuesday, June 03, 2008

pasukan na naman

pasukan na naman... ready na ba ako?

paparating nA ang realidad at start na naman ang totoong labanan hahaha

fighting!