Mga pagbubulay- bulay sa kwaderno
namili ako notebook kanina at lagi kong binibili yung refill na paper na yun pero ngayon ko lang to nabasa...
"The quality of a person's life is in direct proportion to his commitment to excellence, regardless of the chosen field of endeavour."
kaya kahit gaano pa kahirap basta determined ka i-pursue ang excellence, walang imposible.
may malaki akong narealize ngayong summer, at yun ang pag fo-focus. kasi natutunan ko na kahit gaano pa ako nagpuyat pero yun bang abot kamay mo na yung tagumpay pero hindi mo lang sineryoso, mawawala lahat ng pinaghirapan mo.
Nung pumasok ako para mag enroll, ang dami ko na namang nakitang temptation, nakakatawa nga kasi literal ko ngang iniiling ang ulo ko at sinasabi ko sa sarili ko na FOCUS.... yung nga lang nakakahiya pag may nakakita saakin na ginagawa ko yun hehe pero on fairness, effective siya. Grabe ginive- up ko na halos lahat ng dvd ko na pinapanood at binigay ko lahat kay kenvee. waaah koleksyon ko kaya yung mga yun pero dapat eh kasi may mga bagay na hindi naman talaga masama pero kailangan nating tanggalin dahil hindi naman ito nakakatulong sa ating paglago. Kailangan ko talagang malagpasan tong 3rd year na to (pero 4th year nako academically!) ok fine sorry i have to get over it!basta walang madedelay kahit sana sa mga blockmates ko man lang. Kailangan ko nang magseryoso dahil nakita ko dalwang pahina nalang ng papel ang 3rd year saamin. Lagas na nga. At sa tingan ko mas masasala pa. Ang maganda lang don may mga natake na kasi ako na earlier subjects kaya mas konti ang subject ko sa mga batch '06.
Well medyo di pa rin ako get over sa friday 5-7 dahil di ko maatendan yung Class T. di ko parin maintindihan kung bakit nangyari yun kasi feel ko nag- go signal na si Lord para umatend ako dun once a week lang naman every friday,6:30 pm, tapos yun pa nangyari huhuhu, pero kung yun ang will ni Lord wala na nga siguro ako magagawa.
Wish ko lang this sem talagang mag stay focused ako...........and for the rest of my life.......
No comments:
Post a Comment