Sunday, June 15, 2008

Ang Puso sa pag- aaral

sumaglit na naman ako habang nag- aaral para sa quiz .... medyo napurga lang ako sa kakabasa kasi ang kapal ng readings eh quiz lang naman na baka 20 items lang... ang malaking tanong ay kung alin kaya sa mga nabasa ko ang lalabas?or may lalabas kaya sa binasa ko?ehehe mahirap ata yan... dami ginagawa sa school at sa youth work kaya todo busy na nga ako. Minsan gingawa mo nalang ang mga bagay out of responsibility... "eh kasi kailangan eh..." pero sa totoo lang kung may pagkakataon ayaw mo na mag- aral kung hindi lang rin kailangan para sa mabuting kinabukasan...

pero ang totoong issue ay.... gusto mo ba talagang matuto? mag-aaral ka kaya kahit hindi required? kunyari kung maganda pa rin ang buhay mo kahit di ka mag- aral,,, sa tingin mo mag- aaral ka pa rin kaya>? dapat lang dahil paano natin ma-appreciate ang mga bagay sa ating paligid kung hindi naman natin ito naintindihan>?God made things of complexity at responsibility natin na alamin ang mga bagay sa paligid natin dahil ginawa niya tayong tagapamahala....
personally may mga subjects na ayaw ko talaga at tinanong ko kung anong point ng pag- aaral ng mga ito?pero ngayon unti- unti kong nababagkus na ang bawat bagay na pinag- aaral ko ay mahalaga pala upang maintindihan ko ang mga bagay at mamulat ang mga mata ko sa ganda ng buhay natin dito. Kasi pag mas naintindihan mo kung gaano ka- complex or ka-simple ang mga bagay, mas na- appreciate mo na ang mga bagay na ginagalawan mo.

ah!kaya pala... ang problema pala noon ay nag- aaral lang ako dahil kailangan, hindi dahil sa gusto ko matuto... sa kagustuhan kong pumasa lang... basta masabing naaral ko pero hindi tumagos kung ano ba talaga yung pinag- aaralan ko... kaya yan tuloy... pag di mo mahal yung ginagawa mo, wag ka nang mag- expect na mamahalin ka rin base sa mga resulta nito. Minsan di naman grades lang eh.. higit pa sa mga nakuha mong marka,,, mas magandang sabihin na naintindihan mo talaga yung ginawa mo at sinapuso mo... don ka lang matututo maging masaya sa ginagawa mo... huwag mo isiping pahirap lang... pero natututo ka dito.

No comments: