50/50~~mga kalungkutang nadarama~~50/50
haay nako buhay.. marami na akong na mimiss ngayon pa lang ... tingnan natin ang mga pangyayari... yan naaalala ko na itong mga taong toh...
ayan! namimiss ko na sila... mga kaklase ko sa four N batch 2004-2005... yan ay kinunan nung retreat namin sa Baguio.. grabe bago ata ako makasama diyan!nagpakahirap pa ako.. kasi may sinalihan akong play sa church.. grabe na- give up ko pa yon.. sorry Lord.. prto para rin naman kay Lord yun kasi reflection yun at spiritual
... ayan.. miss ko lang yung mga times na cramming sa school mga home work.. mga nanginginig... mga kopyahan.. mga tawanan.. kainan kahit may klase.. mga pasaway.. pahgiging reunited namin kahit anong mangyari pag may umaaway.. kahit ano pang nangyari all 4 one, one foar all.. naalala ko pa non pinagtanggol ako ng buong classmates ko.. grabe na touch ako.. inaway nila ung umaaway saakin! i never felt so belong with this class kaya the best talaga kayo at ngayon kailangan ko nang harapin ang college life ko.. ano kayang mangyayari? sa UPLB kasi ako mag-aaral.. tapos qc ako nakatira.. layo noh?! bakit nga ba? una sa lahat dapat UST ako para deretso na medicine kaya lang RECOMMENDATION LANG AKO>> kaya naisip nila mag UNIVERSITY OF ASIA AND PACIFIC kaya pumasa naman ako sa wakas.. sabi ko haay salamat may pinasahan din.. di ko na hinahantay ung UP.. kaya lang sabi ng tito ko mag Doktor pa rin ako eh waLa namang medicine sa UAP wahaha kaya mag USt nalang daw kunin recommendation.. kaso biglang dumating yung UP.. Nyaak!pumasa pala ako pero sa LB.. wahahaha ang layo siyempre kung papipiliin mas sikat ang UP sa UST kaya dun nalang daw ako papas0k.. shift nalang daw.. eh may maintain na grade dapat ay 2 or 1.75.. or better.. waah eh UP un!para makalipata ako sa DILIMAN para mas malapit.. haay kaya dapat mag- aral mabuti kundi magtatagal ako diyan ng 4 years..tapos lipat na naman ara mag-aral ulit ng medicine proper... hooh! matagal na pag-aaral yan ha! pero ayos lang professional ka naman!nako.. nararamdaman ko na mamimiss ko ang aking pinaka mamahal na tahanan na simula bata ay dun ako nakatira.. ang kuwarto.. mesa.. tv.. sala.. banyo.. lahat!pero sabi nga nila.. "pag nagtagal ayaw mo na umalis.. you'' fall in love with the place.." ganon.. eh totoo naman maganda naman talaga.. pumunta na ako.. parang nasa sobrang laking parke ka!fresh air at conducive.. pero nag-aalangan pa rin kaya nga 50/50 .. kalahati.. gusto ko na pumasok.. kalahati ayoko pa dahil maho-home sic ako.. pero that's life.. feel ko talagang nilagay ako ni Lord diyan.. kaya hindi ako dapat magreklamo.. bahala na Siya saakin.. basta mag-aaral ako mabuti.. yun.. mamimiss ko rin mga kapatid ko.. pamilya ko..mama ko.. lola.. lahat sila friends ko.. pero pano ko ba maggo-grow kung laging nakadepend ka?dapat matuto ako mag-isa.. this is a new learning to me..
No comments:
Post a Comment