Friday, May 27, 2005

~*mga KaLokohaN pag inLaBabo*~

gusto niyo malaman kung pan0 mainlababo ang isang taong praning at sa una'y magugustuhan niya ang feeling ngunit sa huli ay para bang isusuka niya ang mga pangyayari.. kung pano niya pagsisisihan ang mga nangyari?heto ang kuwento ni loko
1. una, magkagalit muna sila, asar sila sa isa't- isa.. sana nga ay hindi na nakita ni loko si girL dahil nabibwisit na siya sa pagmumukha nito.. pati pag tawa at kahit ano man sakanya.. tapos dyahe pa!ang plastik!naku!wag na n0h!
2. nung nag bagong taon.. siyempre kailangan lahat i-greet mo.. nako wala nang choice si loko kundi itext lahat kahit ung pinaka kinakaasaran nia.. kasama na dun ung girL.. sa kabilang dako dahil holiday naman.. nagtext na rin ang girl.. sa isip-isip ni loko "ay may kabaitan naman ito kahit papaano"

ayan lumipas ang mga buwan na wala silang pakealam sa isa't isa.. madalas makita ni loko sa internet ang girL ngunit hindi sila nagpapansinan.. madalas nauuna si Loko pero hindi siya pinapansin ni girL"snabera ba daw?!" tse! ang nasabi ni loko "kung ayaw mo saakin mas ayaw ko rin sayo! ngunit isang araw..

1. napilitang tumawag si loko kay girL dahil sa mga pagkakataong hindi inaasahan.. "pare palakasan nalang ng loob ito!" kaya ayan.. ring ring! "hello?" at c girL na nga iyon.. sa umpisa.. nagkakailangan pa talagang magtatanong lang si loko ng mga kaunting bagay na kailangan niyang malaman.. malamig ang pag-uusap.. ngunit maya- maya'y na feel ni loko na interbyuhin muna c girL dahil feel niyang makipag- usap noon.. hanggang sa nagkapalagayan naman ng loob lalo na nung may isang topic na naging interesting kay girL.. sakanya lang ha.. pero dahIL nahulog sa bitag ang loko.. aba tinulungan naman.. take note: lumabas ang taga konsensya para sabihin sa kaniya na "o tigil na ha!baka mapasubo ka nanaman!gagamitin ka lang niyan!loko ka talaga!" pero sabi ni loko sa sarili "hindi yan noh!natuto na kaya ako!tutulungan ko lang tong girL na toh!mukhang hopeless eh..sabi ng konsensya "bahala ka nga!"
2. ayan mistulang naging spy si loko dahil sa mga pinag-uuutos ni girL sakanya.. kaya lang feeling kasi ni loko mabait tong si girL kaya naman sinusuportahan nalang nia at nagmimistulan pa siyang reporter nito araw- araw.. pero di naman nagrereklamo si loko.. bakit kaya?tsk tsk

ito na ang mga senyas: nagdedeny na si loko sakanyang mga nararamdaman
1.sabi ng isang kaibigan habang kinukuwento ni loko ang mga usap nila ni girL "huh?baka mamaya mahulog ka na naman diyan ha!" sabi ni loko "hindi noh!yuck!" pero from the back of his mind.. "nako..ano ba tong nararamdaman ko?pero hate to admit it.. pride ko toh pare!"
2. isang holiday.. kailangan munang magbakasyon.. bago yun ay halos araw- araw na nag- uusap sila at nagtetext.. cno ba naman di madedebelop dun..kaya nung bakasyong maikli.. namiss ni loko ang girL.. ilang araw lang naman itong hindi nagtetext.. at tumatawag.. namiss niya sobra.. bakit kaya?tanong niya sa sarili.. parang di kumpleto ang araw pag di cia nakausap.. grabe na to!nakakaloka!tapos isang gabi.. biglang nagtext!aba ubod ng saya ang loko!saloob- loob nga lang niya.. at sabi nia"hindi!di ko siya gusto!ano ako tanga?nabigo na ako ilang beses tapos uulitin ko pa ulit?baliw!hindi noh!hindi puede~!" ayan.. ayaw yan ang sinasabing ayaw tanggapin ng utak ngunit iyon ang sinisigaw ng .. lam mo na.. korny kasi eh
3. bakit ganon? tanong ni loko sa sarili.. "bakit kahit may ginagawa ako.. kahit gano pa kaimportante yon.. pag tumawag ang girL.. iiwanan niya lahat ng kanyang trabaho?kahit nga maubos ang load ko lalabas pa ako kahit sobrang gabi na o magmamakaawa sa aking ina upang makitext lng?" ayan na ang naglalaro sa kanyang isipan.. aba? bakit nga ba?o ano?kinain mo rin mga sinabi mo no?DI DAW MAGKAKAGUSTO!EH NAHULOG KA NA NGA SA BITAG!
4. nagiimbento ng mga pangyayari na wala namang katotohanan ang iba mapaligaya lang ang girL

ang mga kapighatian:KATOTOHANAN o REALITY 'ika nga
1. dahil sa nagpatuloy parin ang mga walang kuwentang pag-uusap unti- unti ng nahulog ang loko sa girL ngunit di niya naisip na ginagamit lang siya nito nung isang araw na naging busy na ito at wala nang makuwento ang loko kaya wala ng pakealam sa kanya dun niya naisip na hinihintay na pala niya ang bawat sandali sakanyang cellphone para magtext ito.. nyaak.. pano na yan?
2. unti- unti ng nagiisip ng mga weirdong bagay so loko para matigil na ang komunikasyon sakanila ng girL.. kung anu- anong plano.. pero palpak!kasi kinakausap pa siya nito!hay nako the flesh is willing eh kaya di niya naman natiis at kinausap niya ito..
3. unti- unti na niyang naisip at inamin na wala na siyang magagawa dahil nahulog na nga siya sa pain.. nalaglag na ang puso niya!nako tsk tsk lagot ka na ngayon!ayaw man niya pero nangyari na.. unti- unti siyang kinakain.. ang dami na niyang na sacrifice para lang sa girL na ito na hindi na man naaapreciate ng girL na yun.. haay.. kawawang bata ano pa ba?eh hopeless na..
4. puro deny cia pag gising .. araw-araw sinasabi.. ay ayoko na sakanya.. o kaya "ok na ko!nakalimutan ko na siya!" pero mamaya.. hindi pa pala!

mga ToRTUrE:
1. pagkagising siya ang lumabas sa isip
2.talagang nagseselos na siya
3.namimiss na nia ang boses nito
4.naisip niya lahat ng mga inaksaya niyang mga oras para kausapin ang girL at ngaung hindi na siya nito kinakausap parang sumasabog ang puso niya
5.lagi nalang malungkot
6.nagkukunwaring masaya
7.laging guilty sa mga pangyayari
8.hirap- na hirap na sa paglimot sa taong hindi naman makalimutan at bawat oras ay naaalala.. hirap non pare!
9.walang nakakaintindi dahil tinatago niya ang kanyang nararamdaman at laging "ok lang" daw siya
10.hirap dahil lam mong wala siyang pakealam at saya niya ngunit ikaw ay sobrang pighati na parang araw- araw ay nadudurog ang puso
11.nagsesenti- senti pag nakakarinig ng mga hurtful na kanta... aaww!
12.umiiyak sa isang madilim na sulok dahil di matanggap na iniiyakan niya ang walang kuwentang nilalang

pero kung tutuusin kasalanan din niya.. di siya nakinig sa mga babala.. at karma lang yan dude!

mga naging solusyon..
1.burahin ang pangalan at contact no. sa cellphone(actually ilang beses na niyangb binura ito at pinalit-palitan ang pangalan ngunit hindi rin natiis binabalik naman)pero this time wala ng balikan!
2.burahin sa ym
3. di na kausapin kahit saan
4.wag na sumama sa lakad kung saan naroon siya

well di pa daw tapos ang kuwento.. tingnan natin kung gagana ang mga solusyon na yan at kung anong mangyayari sa kanya sa bandang huli

O ANO?ALAM NIYO NA!WAG NA KASING MAKULIT!WAG NA MAGPALOKO SA MGA FEELINGS NAYAN!MAGARAL NALANG MABUTI!KALOKOHAN KASI YANG MGA YAN!AKSAYA LANG SA ORAS!parang ganito hahahaa

No comments: