~*memories*~
well kakatapos ko lang basahin to
hahaha naalala ko tuloy yung high school days ko nakakatawa talaga haha pero talaga namang may sense of humor yung mga pinagsasasabi ni bob ong.. naalala ko yung mga saya, hirap, lungkot,galit nung highschool ako hahaha andun na yung mga pangaasar,kalokohan,aral-aral hahaha(thinking.....)
naalala ko nung 1st year ako saya.. nasa regular section ako noon at mga kalokohan mga kaklase ko.. parang ako nalang isa sa mga pinaka matitino.. eh kasi nangako ako sa sarili ko na magsisipag nako sa high school at magiging seryoso sa pag-aaral.. sa awa ng Diyos,, nag 1st honor pako.. wahaha pero kung sa creamsection.. ako lang ang una sa pinakahuli na honor nila.. ayos lang.. at least di naman kumplikado ang buhay sa mga weirdo at nerd don.. (pananaw ng mga classmates ko) don ko nadanasan ang iba't- ibang mga kalokohan ng mga tao.. minsan nga nagsawa na akong magpakatino kasi ako ung ginugulangan nila eh haha kasi lahat ng homework ko kalat sa buong klase.. pero kala nila?aba mautak ata kami ng kaibigan ko!minsan sa finals na.. at walang mga notes ang classmates ko.. pina photocopy buongmga notes namin.. sabi namin kami nalang magxerox.. magbayad lang sila.. di nila alam.. may tubo yun haha!bakit ba?eh kami nagpakahirap dun noh!tapos sila kokopya lang at di na nagisip?haha eh di may balato pa ako dun!(haha wag maingay!) pero matatgal na yun noh..
... pero sa totoo lang mas nakakaawa sila dahil wala silang natutunan kundi mag paganda.. mag blush- on at gumawa ng kung anu- anong kabalastugan.. mas nakakaawa yun kesa sa kinokopyahan ka
naalala ko pa non.. one time wala kaming teacher at pinagsabihan kami na walang lalabas ng ibang teacher.. eh nagkataon vice ako nun kaya naman ayaw namin magpalabas kasi yun ang uso dun.. puro cr ang bukang bibig ng mga kaklase ko ewan k0o ba kung anong meron dun sa mahiwagang cr na yun at kinababaliwan nila .. "hndi puede eh!" sabi namin nung presidente.. tapos yung isa kong kaklase maya- maya umuhi sa pader.. yuck!ang baboy!(lalake yun ha.. grabe naman kung babae mahiya naman siya) sabi niya "eh ayaw niyo magpalabas eh!" haay ang buay talaga.. tumawa ka nalang.. tapos yung isa ko pang classmate pinunasan ihi niya nung pang tali sa kurtina (eeewss!) haay..
pero the next year.. nasa cream section na ako.. kinabahan ako dahil sabi nila magiging nerd lang daw ako dun.. aba ewan!pagpasok ko.. kanya - kanyang grupo.. may mga maarte,mukhang anime at kung anu- ano.. well medyo dimure muna ako nung una.. bago eh.. pero habang tumagal umingay na rin ako.. ang aking totoong kulay.. bow.naalala ko ito sa rt ko..(sorry ha walang personalan natawa lang talaga ako)
hahaha naaalala ko pa non katabi ko siya tapos napatitig ako.. tapos naalala ko pa yung sa pic kaya tawa ako ng tawa na parang wala ng bukas.. nagtataka siya.. sabi ko wala lang kasi mapipikon yun eh .. kasi naman caught in the act eh..hahaha kala nila!pinagtripan din nila ako noh!gusto ko mmang ipost yung pic na yun.. gagawin ko namang kahihiyan ang sarili ko.. di bale nalang..
naalala ko pa non.. may project kaming biogas,aba kailangan nang tae for short.. tapos a asign saakinang maglagay nga tae habang pinipicturan.. anak ng tae!natuluan pa ako.. peste!nagpakahirap ako tapos bagsak lang pala yung grade dahil hindi lumabas yung apoy.. tapos nung food fair naalala ko nagluto kami ng kung anu- ano.. tapos ako nagbebenta yung ga ka group ko nasa likod lang.. nyak!napagod ba?pero mas masama naman ang nangyari sa kabilang group.. kasi natapon ung sauce nang ititinda nilang sphaghetti, balita ko non nagpuyat pa nga sila haay kawawang sauce..
well unang year ng adjustment.. putakte!ganon pala sa creamsection..kung dati 1st honor na ko na pa easy- easy lang.. ngayon puro expectation na sa mga teachers.. kala ko wala nang mashihirap dun.. hanggang nung mag 3rd year ako at 4th yr.. mas mahirap pa..
pero habang tumatagal nagiging close naman kami ng classmates ko.. napansin ko na mas naging wild ako(nyaik!) at masaya dahil may mga love teams at kalokohan despite the obstacles ng pag-aaral.. dun ko naintindihan na hindi naman puro nerd ang mga nandun.. tutal ito ang mga facts tungkol dun
1.may dalang libro tuwing recess.. pero sa totoo lang kung akala mo nagaaral kami.. actually di kami nakapag basa kaya babasahin nalang namin
2.minsan props lang(madalas pala) kala mo makakapag-aral ka pero kakain ka nalang at makikipag daldalan
3.para kaming tanga na nagpapraktis sa labas at kung anu- anong ka kornihan ginagawa namain para lang ma impress ang guro.. minsan para na nga kaming nagdadasal na tribo parang may ritwal..para daw unique.. ganyan na rin ako mag-isip nung nalipat ako dito
4.sa classroom ay sobrang wild namin.. nung 2nd year at walang guro ay nagwala kami.. sumayaw lahat sabay-sabay.. nabaliw lahat!ako lang naman ang umupo sa table ng teacher at nagkakakanta parang baliw hanggang sa di k0o namanlayan na nagbabalett na ang iba at ako ay hinahagisan na ng piso.. at nakalagay sa labas "keep- out:mga baliw" parang ganon ba..
5. may nagtetext sa gitna ng kani-kanilang hita para makipagusap kay boypren at meron pang tumawag na nahuli ng guro
6.may tshirt na join forces na ginaya ng ibang section
7.minsan di nila kami naintindihan sabi ba naman may IQ lang daw kami pero walang EQ.. aba guro pa daw nagsbi nun.. naginit mga ulo0 namin.. kala kasi nila puro aral kami.. di naman puro kopyahan nga eh.. kala nila wala kaming social life eh sa totoo nga lang eh umiinom pa ng toma ang mga kamag-aral ko wahahaha(secret lang ha!)
8. madalas na kaming magkaproblema nung 3rd at 4th year nung mas lalo kaming close.. naging sakit kami ng ulo ng mga teachers dahil wala na daw kami galang puro talino nalang ang pinapairal.. sakit naman non.. mababait naman kami kaya joined forces pa rin.. para bang kalaban namin silang lahat kahit regular section outcasts kami eh.. pero go parin ang figthing spirit ng mga loko!yun nga lang sobrang sama na ng image namin.. di naman kami perpekto eh.. taas ng expectation lagi saamin
9.sobrang ingay namin ewan ko ba.. ang aga-aga di ba dapat wala kang gana makipagchikahan pag maaga kasi antok ka pa?pero ako naglalakad palang sa corridor ng 630 am eh nakakarinig na ng malakas na usapan eh ang layo ko pa sa classroom.. kala ko dami tao pero pag dating ko.. mga 5 tao palang ang nasa loob.. hahaha talagang ganon pero isang araw napilitan kaming tumahimik.. buong araw.. kasi araw-araw nalang kaming pinapagalitan.. may nawa-walk out pa nga na teacher dahil sa kaingayan namin.. pero nung araw na yun dahil sa desperado na kami na wag magquiz.. tumahimik kami.. nagkaisa ang lahat aba di mapakali guro namin dahil para kaming nagtago bigla ng mga sungay namin.. para lang wag matuloy ang quiz.. eh mabait naman yuntg guro eh.. ayos pumayag
10.minsan may mga paborito kaming mga guro na sadyang mababait.. kaya pag bday nila ay naghahanda kami.. pero isang beses bday ng isang guro at may quiz kami sa geometry nun.. "nako ano kayang delaying tactic?!"dahil bright kami.. at the fair nun ung mga tira ay niluto namin at hinanda sakanya at pinagkuwento namin siya tungkol sa buhay niya.. aba gumana!nag bell na!at least nausog ang quiz..haay salamat!
11.naranasan na rin namin maging mukhang kakatawa sa harap ng klase para lang maimpress ang teacher na kahit anong effort ay nakasimangot pa rin sa ginawa mo
12.may mga kumakai sa rum.. actually kaming lahat angmasama pa non ang hilig namin sa corniks.. eh pampabaho ng hininga eh minsan tinagao namin sa adviser pero nung nagsalita kami ng sabay-sabay.. aba naamoy at sabi "anong kinakain niyo?" buti nalang mabait siya
13.best ang mga teachers ng 3rd year .. naranasan ko pa makasama ang cool na cool na teacher na sumama pa sa aming concert na pinuntahan na nilagay ko ang ticket na mahal sa payong para makapasok sila sa may mga upuan.. bale nagbayad ako mahal sila 500 lang hahaha
14. lalo na nung last sa taon ay naranasan ko ang mga paghihinagpis sa mga guro.. sobrang puyat nako nun naalala ko.. puro woryy kasi ako kaya ginagawa ko agad.. halos masuka nako sa hirap.. naalala ko 3 hours lang tulig ko nung exam.. mukha na akong losyang sa pagod.. puro hw.. project.. basa ng book.. waah!PARANG sasabog ulo ko kahit recess at lunch di ka na makakakain dahil kulng pa yung oras dun para mag-aral o gumawa ng homework na hindi pa tapos.. ang hinaing "tao rin po kami ms. .... kumakain din kami at natutulog!" kaya m9insan pag dumating ka.. tulog mga tao.. pero ewan ko ba hyper pa rin ang iba at nakukuha pang dumaldal despite the fact na pagod na sila.. syempre may mga tampuhan pang nangyayari sa klase.. may iba daw mayabang.. maarte.. kung anu- ano.. pero 1 percent lang sila sa klase.. the rest.. nagmamahalan..
15. ang di na matiis sa mga huling araw.. aba halos lahat ng mga ms. nung 3rd year ay naging kabaliktaran.. yung iba sabi nila "magmemenoipose na ata sila" yung iba kung anu-ano nang sinasabing names katulad ng "annie B" kasi sumasayaw daw pag gabi,"lilipop"kasi may *** naiiwan na***** sa kanyang ipin(haha takot pa rin isulat!),tsumami.. kasi baka mahigop daw kami... haha and so on... (aba parang makonsensya!) ngayon yun pero dati kung anu- ano nang tawag sa kanila dahil sa hirap.. haay kawawang mga nilalang
16. kahit ma jeerbox ka , umutot,bastos... alam nila at ok lang tanggap ka nila kung ano ka.. di ka na mahihiya dahil ilang taon na kayong magkakasama
17. may ka group ako nung 3rd year kami ay naguusap ng mga ka****** at yung isa ay nagtatakip ng tenga kunwari di nakikinig.. pero kinikilig na pala siya at namumula na ang tenga.. weirdo! minsan pa ay nag volleyball kami at dalawa kaming di marunong at nung tinira niya ay nagalit sakanya iba kong ka group tapos sabi ko "ok lang yan!ako rin di marunong" aba dinamayan ko pa man din! tapos nung napikon na sabi niya sa iba "si joanna kasi eh" aba!!!!!ako na nga nagmagandang loob na umintindi!ako pa sinisi!naasar ako at naginit ang dugo ko "palibasa ang weirdo nia!at lumipat ako ng silya.. pero dati yun.. ngayon siya na ang number one fan ko!(hahaha)
18. nang lastbyear na ako na ang pinagtitripan na baboy or oinky pero nattuwa naman ako.. kaya lang yung leader namin ang tawag sakanya ay bakla.. babae siya pero ganon boses niya.. sobrang napagtitripan.. aba galit din ako datio sakanya dahil nangiindian sa responsibilidad.. ewan ko ba nung naging katabi ko na siya bumait ako sakanya at ako pinaka close nia sa rt ako lang ata ang tinetext niya saamin ng quotes.. (cgro talagang mabait lang ako..wahaha cge na makapal na kung makapal!)
masasaya ang mga araw non.. kahit mahirap .. may patutunguhan.. ngayon college na kami,.. nagkikita pa rin kahit papaano.. pero alam kong di magtatagal at alaala nalang ang matitira.. dahil busy na ang bawat isa sa bagong kaibigan at mga pakikipagsapalaran.. pero mga pipol.. pangako.. di ko makakalimutan lahat.. naging memorable ang bawat araw.. para saakin dahil ang lungkot ay mapapawi pag pumasok ka sa mahiwgang section ng N.. at sana wag mangyari balang araw na hindi na natin makilala ang isa't- isa..
No comments:
Post a Comment